Dekada Setenta
Ni Lualhati Bautista
Ang Dekada 70 ay isang nobela na isinulat ni Lualhati Bautista at ginawang pelikula na idinirekta ni Chito S. Rono noong taong 2002. Ikinukwento sa pelikulang ito ang mga karanasan ng pamilyang Bartolome noong panahon ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno ni pangulong Ferdinand E. Marcos. Makikita rin dito ang paglalaban o ang pakikibaka ng mga mamamayan sa gobyerno. Ang mga mararahas na naranasan ng mga nabiktima ng Martial Law. Ang pagtratrato sa mga kababaihan at marami pang iba.
Si Lualhati Torres Bautista ay ipinanganak sa Tondo Manila noong ika-2 ng Disyembre 1945. Siya ay isa sa mga tanyag na Pilipinong nobelista. Ilan sa mga kanyang nagawa ay ang Dekada 70, Bata Bata Paano Ka Ginawa?, at Gabo. Nagtapos siya ng kanyang elementarya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1968, at ng sekondarya sa Torres High School noong 1962. Siya naman ay nag kolehiyo sa Lyceum University of the Philippines sa kursong journalism ngunit nag-drop siya bago pa man matapos ang kanyang unang taon. Siya ay nakatanggap ng mga pangaral kagaya ng Palanca Awards noong 1980, 1983
at 1984 para sa mga nobelang Gapo, Dekada 70, at Bata Bata Paano Ka Ginawa?. Na naglalarawan ng mga masasamang karanasan ng mga kababaihan noong panahon ng pamumuno ni Pangulong Marcos. Siya ay kabilang University of the Philippines Creative Writing Center noong 1986. Naging bise-presidente siya ng Screenwriters Guide of the Philippines at naging pinuno ng Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang Popular.
Sa nobelang ito pinapakita ang mga karanasan at pagsubok na dinanas ng Pamilyang Bartolome. Isa sa mga naghirap ay si Amanda Bartolome ang Ina ng pamilya.
Si Amanda Bartolome ay ina ng limang anak na lalaki. Siya ay asawa ni Julian Bartolome kung saan para bang kontrolado ni Julian ang buhay ni Amanda. Siya ay isang mabait, mapagmahal, at higit sa lahat matapang na Ina. Nakaranas siya ng hindi pantay na pagtratrato sa kanyang pagkatao, mahiwalayan na anak, at mamatayan ng anak. Pero kahit sa madaming masalimuot na pagsubok ang kanyang naransanan sa kanyang buhay, ay patuloy parin ang kanyang paglaban at paninindigan. Nais niya ring ipaglaban sa nobelang ito ang pantay na pagtratrato sa kababaihan at hustisya para sa mga nabiktima noong panahon ng Martial Law.
“It’s a man’s world” ika nga ni Julian Bartolome. Si Julian ay ama ng limang anak na lalaki at asawa ni Amanda. Siya ay isang ama na gustong palaging sinusunod ang kanyang mga utos lalo na sa kanyang asawa. Mahigpit ang kanyang pagdidisiplina at nakasanayan niyang ilabas sa kanyang pamilya ang kanyang mga damdamin, kung kaya’t lumaking may pake-alam at mulat sa kaisipan ang kanyang mga anak sa mga pangyayari sa lipunan. Pero kahit gaano man siya kahigpit sa kanyang pamilya, nakaranas din siya ng mga paghihirap lalo na’t nung nalaman nilang namatay ang kanilang anak na si Jason. Nahihirapan siyang harapin o ilabas ang kanyang mga dinadam, pero ang hindi niya alam na nandiyan ang kanyang asawa na handa siyang suportahan at gabayan sa kanyang mga pagsubok sa buhay.
Jules Bartolome ang aktibistang panganay na anak nila Amanda at Julian. Sa unang bahagi ng storya si Jules ay hindi pa gaanong ka-interesado sa mga pangyayari sa lipunan. Siya ay isang typical na binata na nag-aaral, nakikisalimuha sa mga kaibigan. Pero nag-iba ang lahat ng ito noong naimpluwensyahan siya ng mga pangyayari sa lipunan. Sinubukan niyang sumapi sa mga rally at protesta kasama ang kanyang kaibigan na si Willy. Kahit na pinagsasabihan sila ng kanyang Ama na huwag sumali sa mga aktibidad na lumalaban sa gobyerno, ay patuloy parin ang kanilang paninindigan. Dito ipinakita ni Jules ang kanyang pagmamahal at katapatan sa bayan, hanggang sa naisipan nila na sumali sa armadong rebolusyon. Dito nagsimula ang sunod-sunod na problema ng pamilyang Bartolome.
Ang pangalawang anak naman ay si Isagani Bartolome. Ang malandi at napaagang ama nila Julian at Amanda. Si Isagani ay isang masiyahin at matulungin na anak. Siya ay isang typical o napapanahon na binata kung saan nakikihalubilo sa mga barkada, nag-aaral, mag-karoon ng kasintahan at marami pang iba. Ngunit, dahil sa kalandian niya siya ay maagang nakapag-asawa at anak. Hindi niya naisip ang mga pagsubok ng kanyang madadaanan sa pagkakaroon ng pamilya. Kaya upang matuos niya ang mga kailangan ng kanyang pamilya ay napagplanuhan niya maging isang US Navy. Sa una, tinanggihan ito ng kanyang Kuya Jules pero pumayag naman ang kanyang Ama at pinagpatuloy niya ang kanyang plano sa buhay. Kahit na hindi man niya naipakita ang kanyang serbisyo sa kanyang bayan ay naipakita niya naman ang kanyang kahalagahan sa pagmamahal sa kanyang pamilya.
Ang pangatlong anak naman ay si Emman Bartolome. Si Emman ay may angking talento o hilig sa pagsulat. At dahil dito, siya ay isa sa mga naasahan ni Jules sa pagsusulat ng mga balita o datos sa tungkol sa gobyerno. Si Emman ay isang mabait, tahimik, at higit sa lahat mapag-mahala na anak.
Pero kahit na hindi man siya sumasapi sa mga protesta laban sa gobyerno, naipakita niya parin ang kanyang pakikibaka o paglaban sa pamamagitan ng pagsulat. Marahil, gusto sabihin sa atin ng tauhan na ito na hindi lahat ng bagay maayos o masosoluyunan sa isang rebolusyon o protesta. Maari parin natin maipakita ang ating paninidigan at mahal sa bayan sa pagsulat o sa maayos at mapayapang paraan.
Ang susunod na anak naman ay si Jason Bartolome. Si Jason ay isang tamad na anak, ngunit naipapakita parin niya ang kanyang kabaitan at pagmamahal sa kanyang pamilya. Masasabi natin siya ay isang anak na malayo sa kanyang pamilya. Nasanay siya na maghalulibulo sa mga barkada at dahil dito nauuwi siya sa kanilang tahanan ng wala sa tamang oras, hindi niya nabibigyan ng sapat na oras ang kanyang pamilya, at wala siya sa mga espesyal na okasyon na ginaganap sa kanilang tahanan. Pakiramdam niya na kulang siya sa supporta sa kanyang mga magulang at mga kapatid kaya dahil dito nalululon siya sa masamang bisyo kagaya na ipinag-babawal na droga. At dahil dito nahuli siya ng mga police, hinanap ng hinanap eto nila Julian at Amanda ngunit sa huli nalaman nila na pinatay na si Jason.
At ang bunso naman ay si Bingo Bartolome. Siya ay mabait at inosenteng bata na wala pa gaanong impluwensiya sa lipunan. Siya ay masaya at wala pa pinoproblema sa buhay. Pero pinapakita niya sa i-storya na ito ang kanyang pagmamahal at pag-aalaga sa kanyang pamilya. At dahil narin sa impluwensiya ng kanyang ama at ng mga kuya, nahihikayat narin siya sa mga isyu na nangyayari sa lipunan. Gustong ipakita ng tauhan na ito na kahit bata ka palang marami ka nang magagawang ambag simula sa inyong tahanan.
Ang dekada setenta ay naganap noong panahon ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand E. Marcos kung saan dineklara niya ang Martial Law. Ang mga suliranin na nangyari noon ay ipinakita halos sa tahanan ng pamilya Bartolome, kung saan nakaranas sila nang mamatayan ng anak, ang paghuhuli ng militar sa kanilang anak, hindi pantay na pagtrato sa kababaihan, mahiwalayan ng anak at marami pang-iba. Dito ipinakita rin nila ang kanilang paninindigan at pagmamahal sa bayan sa pagharap ng mga pagsubok upang labanan ang pwersa ng gobyerno.
1970
Nagsimula ang storya sa pag-aaway ng anak ni Amanda na si Isagani sa kanyang kaibigan tungkol sa pagtalon ng tipaklong. Pinagtatalunan nila kung ang paa ng tipaklong ay sabay kapag tumatalon. Pagkatapos ng pagtatalo na iyon napunta ang istorya sa pagtigil ng dyip na sinasakyan nila Amanda at Juls dahil sa pagpoprotesta ng mga Pilipino na isinsigaw ang “Yankees Go Home!”, na gusto ng pauwiin ang mga kano sa kanilang bansa.
Nagkaroon ng isang salo-salo sa tahanan nila Amanda at Julian kasama ang kanilang mga kaibigan. Pinag-usapan nila ang mga isyu na nagaganap sa lipunan at kung paano ginawan ng paraan ng gobyerno ito. Dumating din sa kanilang usapan ang mga magagaling na manunulat sa ating bansa kagaya ni Amado V., Hernandez namangha sila sa kanyang gawa kahit na nasa bilangguan. Nang biglang sabihin ni Amanda ang kanyang paboritong nobela ni Hernandez, tila ba’y nagkatinginan ang magkakaibigan at di nagustuhan ang kanyang sagot.
Pagkalipas ng ilang taon, ay muling nanalo ulit sa eleksyon bilang pangulo ng Pilipinas si Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa isang hapunan sa pamilya Bartolome, napag usapan nila ang magaganap na prom nila Jula at Isagani. Sinabi nila na ang mga anak ni Mrs. Adriatico na sina Pamela at si Mary ann ay gustong maging partner sila Juls at Isagani. Na dito sa bahagi na ito ay sinabi ni Julian “kayong mga babae ay parang mga dahong natutuyo sa sanga, sa kakahintay ngiti at pansin naming mga lalaki.” “It’s a man’s world.”.
Pagkatapos ng kanilang hapunan, dumaan sa isipan ni Amanda na mag-paalam kay Julian upang mag-trabaho. Sinabi niya kay Amanda, “Kulang ba ang kinikita ko, may mga gusto ka bang di ko binibigay?”. Ikinagalit ito ni Julian at hindi niya pinayagan si Amanda mag-trabaho.
Dumating na ang araw ng prom nila Juls at Isagani, masaya nilang isinayaw ang kanilang mga partner. Ngunit di nagustuhan at ikinagalit ng partner ni Isagani ang ginawang panghihipo nito sa kanya. May isang eksena rin dito kung saan may isang babae na walang may gusto na makipag sayaw sa kanya. Pagkatapos ng prom ay umuwi na sila at may dinaanan na protesta kung saan nakita nila Juls ang larawang sinusunog. At dito humubog ang interest nila Juls sa mga isyung nagaganap sa pulitika at sa lipunan.
Ang mga kaganapan sa istorya na ito maayon natin sa teoryang Peminismo, dahil pinapakita ang pang-mamaliit na trato sa kababaihan. Noong mga panahon ang tingin lamang sa mga babae ay tagapag alaga ng kanilang mga anak at tagagawa ng mga gawaing buhay. Pero ngayon marami ka ng makikita ng mga babae na nagtatrabaho, kagaya ng pagiging pulis, sundalo, lider, driver at marami pang-iba.
Pinapakita din dito ang pang-aabuso sa mga kababaihan. Marami ang nababastos at hindi binibigyan ng tamang respeto at pagtrato sa mga kababaihan. At mabuti ng nagbago ang kaugalian na ito sa kasalukuyang panahon, nabibigyan na ng tamang respeto at tamang pangtratrato ang mga kababaihan.
1971
Nagkaroon ng isang pagpupulong ang mga estudyante ng mga unibersidad kasama si Juls at ang kaibigan niya na sa si Willy, upang maghanda para sa isang kilos-protesta laban sa gobyerno. Pinakita din sa istorya na ito ang isang babae na kasapi sa isang kilusan, at ikinuwento ang mga karanasan ng kanilang lider at iba pang mga kasapi. Dumating na ang araw ng rally at pilit nilang nilalabanan ang pwersa ng militar, ngunit di nila mawasak ito. Sabay-sabay nilang kinanta ang “Lupang Hinirang” upang maipakita ang pagkakaisa ng mamamayan laban sa gobyerno. Nagkaroon ng gulo sa rally at hindi na naiwasan ang pag-gamit ng karahasan o “violence” sa pag-pigil sa mga tao.
Pagkatapos ng rally, sa tahanan nila Juls ay pinagalitan sila ni Julian sa pag-sali sa rally laban sa gobyerno. Sinabi ni Julian na sinuspinde na ang “Writ of Haveas Corpus”, na pwede na silang hulihin na kahit walang warrant of arrest. Kinuwento din niya ang nangyari sa isang student leader na si Charlie Del Rosario kung saan kahit bangkay hindi pa nakikita. Habang pinapagalitan ni Julian sila Juls, nasa telepono naman si Isagani kausap ang kanyang kasintahan na hawak-hawak ang maselang bahagi ng kanyang katawan.
Maayon natin ang mga kaganapan na ito sa teoryang realismo, pinapakita dito na ang mga kabataan dati ay handang lumaban para sa bayan. Kahit na dumadaan sila sa masalimuot na paghihirap, ay matibay parin ang kanilang paninindigan. Mapapakita rin dito ang mga nabiktima at napahirapan na mga activista na lumalaban sa gobyerno.
Nagsalo sila para sa isang hapunan at nabangit ni Willy na bakit sa pamilya ay mayroon freedom of expression pero sa eskwelahan wala? Sabi naman ni Julian na mahinanong pinag-uusapan ang mga problema sa tahanan at hinding-hindi na umaabot sa karahasan. Sinabi din ni Juls ang kanyang damdamin na ang mga tao doon ang tumatawag sa metrocom at sila ang nagpapauwi o nangugulo sa kanilang kilusan. Kung makikita man ni Julian na kasama si Juls sa mga kilusan, ay siya mismo ang magpapauwi sa kanya. Pero nais parin ipakita ni Juls ay kanyang pakikibaka para sa bayan. Pagkatapos ng hapunan, ay sinabihan niya na si Amanda na umakyat sa kanilang kwarto at itigil ang pag-aasikaso sa kanilang kusina. Pero hindi eto sinunod ni Amanda, hanggang sa paulit — ulit inutos ni Julian na umakyat si Amanda.
Ang mga pangyayaring iyon ay maayon natin sa teoryang Peminismo, dahil pinapakita sa bahagi nito ang ugali ng asawang lalaki na dapat palaging sinusunod ng asawa ang mga utos nito. Kahit pa may ginagawa itong importante, ay walang rason upang hindi sundin ang mga utos ng asawa.
Naglalaro ng basketball ang mag ama na sina Julian at Isagani. Habang sila ay naglalaro nabangit ni Isagani na balak niya mag US navy dahil malaki mag pa sahod doon. Ngunit eto ay tinanggihan ni Juls dahil magiging alila lang si Isagani sa mga Kano. Pero tugon ni Isagani na maraming matatanggap na benefits at malaki kung magpa sweldo. Eto ay sinang-ayunan ni Julian at sinabi na problema na ni Isagani kung gusto niyo sumali sa US Navy.
Dito sa bahagi ng istorya na ito ay maayon natin sa teoryang realismo, na may mga tao talaga na napipilitan mag-ibang bansa dahil sa magandang benepisyo at pa-sweldo na binibigay nito. Pero sa damdamin ni Juls, nakakapanghinayang na ang mga mamamayan natin ay mas gustong mag-serbisyo sa ibang bansa kesa sa ating bayan.
Nagkaroon ng isang kilusan kung saan may dulaan na ipinapakita na si Pangulong Marcos ay nakipagkasundo kay Uncle Sam ng US. Na. Ang nagiging epekto nito ay ipinakita sa paghihirap at pagpapako sa krus ni Juan Dela Cruz. Kung saan tayo mga mamamayang Pilipino ay naghihirap sa kamay ng mga Kano. Dito naisipan na ni Willy na sumali na sa armadong rebolusyon laban sa gobyerno at tinanong niya si Juls kung gusto niya makisama sa pakikipaglaban na ito.
Isang araw nakita ni Amanda ang saranggola na nilalaro ni Bingo na gawa sa mga papeles tungkol sa gobyerno. Pinakita ni Amanda ang mga papel na ito kay Julian at tinignan ang kwarto ni Juls. Nakita ni Julian na sa kanya galing ang mga papeles na iyon at naisipan makipag-usap sa kanya.
Pinag-usapan nila ang mga tao sa gobyerno at kung ano ang mga ginagawa nito para sa bayan. Sinabi ni Julian na matatalino at magagaling ang mga nasa pulitika, ngunit hindi kumbensido si Juls sa mga ito. Tugon ni Juls “kung ganun bakit patuloy parin naghihirap ang Pilipinas?”. Na hindi pa man nag-aasawa ang isang tao ay may mga utang na ang magiging anak nitoh. Kailangan ng magdesisyon ang mga tao kung saan siya susuporta at makikipaglaban, sabi ni Juls “walang neutral ground”.
Ang mga kaganapan na ito ay maayon natin sa teoryang realisismo. Pinapakita dito ang matibay na loob ni Juls na handang makipaglaban na kahit kung sino man para sa bayan. Na dapat lahat tayo ay mulat sa katotohanan na nangyayari sa ating lipunan. At dapat natin alamin na kung kanino tayo kakampi at makikilaban.
1972
Sa tahanan ng pamilya Bartolome, tahimik na nakikinig sa television ng idinedeklara ni Pangulong Marcos ang Martial Law sa bansa. Sinasabi sa batas na ito na kung sino mang tao ang lumabag sa “curfew” ay huhulihin at ituturing na rebelde sa gobyerno. Isang gabi, naabutan ni Amanda na may dala-dalang babae si Isagani sa kanyang kwarto. At ang babae na iyon ay si Evelyn, upang hindi na mag-alala ang mga magulang ni Evelyn ay napagdesisyunan nila na ihatid siya sa kanila. Habang sila ay lumalakbay papunta sa tahanan ni Evelyn ay pinara sila ng pulis. Sinabi ni Julian na nais lang nila ihatid ang dinalang babae nang kanilang anak upang hindi na pag-alalahanin ang kanilang mga magulang. Pagkarating nila sa tahanan ni Evelyn ay umiiyak ang kanyang ina sa labis na pag-alala. Isang punto tinanong ng Ama si Isagani kung nais niya bang pakasalan ang kanyang anak, at dahil dito sumang-ayon si Isagani na magpakasal. Pero dahil sa kanyang mga iresponsableng mga desisyon sa buhay, maraming silang paghihirap na dinanas mag-asawa na nauuwi sa pag-aaway.
Ang mga kaganapan na ito ay maayon sa teoryang realismo. Dahil hanggang ngayon, isa yan sa mga napapanahong isyu na hinaharap ng ating bansa. Maraming mga binata na hindi inaalam ang mga pagsubok ng kanilang tatahakin kapag sila ay magkakapamilya. At dahil dito maraming mga anak ang napapabayaan at nagdudulot ng paghihirap sa ating lipunan.
Isang araw pinakita ni Jason ang kanyang “report card” sa kanyang mga magulang. Nagalit si Amanda dahil sa mababang grado na nakuha ni Jason. Nang makita ito ni Julian hindi siya nagalit sa kanya, kundi sinabi niya sa kanya na ipapasa siya ng kanyang mga guro kahit ganyan ang kanyang mga grado.
Pagdating ng gabi ng araw na iyon, dumating si Juls na pawisan at tila ba’y alalang-alala sa buhay. Tinanong ni Amanda kung anong nangyari sa kanya at sinabi na pinatay nila ang kaibigan niyang si Juls. Dumalo sila sa kanyang burol at dun sinabi ng ina ni Willy ang kanyang mga naranasang paghihirap ng siya’y nahuli at namatay. Pagkauwi sa kanilang tahanan, nakita ni Amanda na ng iimpake si Juls para sa isang exposure trip sa bicol. Akala ni Amanda na sasali si Juls sa NPA upang labanan ang gobyerno kaya ipinagbawal niya ito. Pero kahit anong pigil ang gawin ni Amanda ay umalis parin si Juls sa kanilang tahanan.
Ang mga pangyayari na naganap sa bahagi ng kwento na ito ay maayos natin sa teoryang realismo. Dahil noong panahon ng Martial Law maraming mga napahirapan, naparusahan at napatay sa paglabag sa batas na ito. Ipinakita dito kung anong ginawa sa mga taong lumabag sa curfew at humihingi ng hustisya ang mga pamilya na biktima nito.
1973
Sa taon na ito kung saan nanganak ng babae ang asawa ni Isagani na si Evelyn. Pagkauwi nila sa kanilang sa tahanan binalita kay Amanda na meron sulat ang anak niyang ni Juls, ngunit hindi para sa kanya ang sulat na iyon. Ang nilalaman ng sulat ay “Ang inyong anak ay hindi ninyo anak. Sila’y mga anak na lalaki at babae na buhay. At bagamat nanggaling sa inyo, sila’y hindi inyo. Maibibigay ninyo sa kanila ang inyong pagmamahal, ngunit hindi ang inyong paniniwala. Mabibigyan niyo ng tahanan ang kanilang katawan, ngunit hindi ang kanilang kaluluwa. Sapagkat ang kanilang kaluluwa ay namamahay sa templo ng kinabukasan na hindi ninyo madadalaw kahit sa panaginip.”
Dumating na yung araw kung saan aalis na si Isagani upang maging isang US Navy. Sinamahan siya ng kanyang pamilya at asawa, ngunit bago siya tuluyang umalis ay gustong ipasabi ni Evelyn uuwi na siya kasama ang kanyang mga magulang.
Habang tinutulungan ni Amanda na mag impake ng gamit kinausap niya si Evelyn at sinabi ang kanyang mga saloobin. Humingi siya ng patawad dahil hindi man lang niya natanong ang kanyang mga nararamdaman. Natanong niya rin kung pinagsisihan niya bang pakasalan ang kanyang anak na si Isagani, na bata pa lamang siya ay meron na siyang anak. Nais niya lamang sabihin na lahat ng pagtatalo nila Isagani ay maayos sa tamang pag-uusap at pag-adjust. At isa rin sa mga sinabi ni Amanda na tumatak sa aking isipan ay “Mahirap maging isang ina” “Mahirap maging isang babae”.
Ang mga kaganapan na ito ay maayos natin sa teoryang peminismo at realismo. Dito ipinakita ni Amanda ang pagiging isang batang ina ay hindi biro, maraming mga pagdadaanan at mga pagsubok na mararanasan ni Evelyn sa kanyang buhay. Hindi rin madali ang pagiging isang babae dahil noong panahon ay iba ang tingin sa mga kababaihan kaya nakakaranasan sila ng pang-aabuso at karahasan.
Kinabukasan sinabi ni Amanda na kay Julian na aalis si Emmanuel papuntang bataan upang hingin ang panayam ang mga tao dun tungkol sa nuclear power plant. Nagalit si Julian ng malaman niya ito kaya pinagsabihan niya ito, pero kinalaunan ay pinayagan niya din ito sa isang kondisyon na siya ay mag-ingat.
Makalipas ang ilang araw ay nagsalo-salo sila sa isang beach. Habang sila ay kumakain ay napagusapan nila ang mga mag-asawang nag-hihiwalay. Kung saan medyo nagkakadiskusyunan sina Amanda at Julian at nag pipiliosopo si Jason. Sinabi ni Amanda ang kanyang mga dinadamdam bilang isang ina at babae kay Julian. Pero ang nais niyang sabihin sa kanila na sina Evelyn at Isagani ay hiwalay na.
1974
Isang gabi nagising sila Julian at Amanda dahil may bumabato sa kanilang bintana. At ng pagkabukas nila ng gate nagpakita si Juls na may kasamang sugatan. May tama ng bala ang kanyang kaibigan kaya humingi si Juls ng tulong sa kaniyang magulang, ngunit bawal itong dalhin sa hospital dahil huhulihin sila. Kaya nagtawag sila ng doktor upang gamutin ito sa kanilang tahanan at nagawa naman ito.
Kinabukasan ikinuwento ni Juls sa kanyang pamilya ang kanyang mga naranasan at napagdaanan sa pagsali siya sa armadong kilusan. Sinabi niya na lahat ng mga pang-araw-araw na kagamitan ay ginto at nasanay na siya sa kamatayan. Kinuwento niya ang paghihirap at pagkamatay ng matandang mahal niya sa buhay dahil hindi niya sinabi kung nasaan si Juls nung siya ay hinahanap ng gobyerno.
Di nagtagal ay nalaman ni Amanda na aalis na muli si Juls para bumalik sa kilusan. Dito sinabi ni Juls ang kanyang mga dahilan kung bakit siya sumali sa kilusan. Humingi narin siya ng patawad dahil hindi siya nakapagpaalam ng maayos nung una. Sinabi naman ni Amanda na palagi siyang nag-aalala na sana walang mangyari masama sa kanyang anak, at hinihintay siya sa kanyang pag-balik.
Pagkatapos ng pagpapaalam ni Juls ay nagkaroon ng isang salo-salo upang ipagdiriwang ang kaarawan ni Bingo. Kung saan dito nakita ni Jason ang isang magandang dalawa at ito’y nais niyang ligawan. Pagkatapos mag siguwian ng mga bisita tumingin si Amanda sa gate na umaasang babalik si Juls, ng may tumawag sa telepono…
Kinabukasan pumunta si Amanda sa isang kainan kung saan nakipagkita siya kay Juls at nakipagusap. Kung saan sinabi ni Juls na may malaki silang problema. Nilusob ng militar ang kilusan ni Juls kung saan siya ay hinahanap. Ibinilin niya kay Amanda na maglinis ng bahay kung saan susunugin nila lahat nang papeles o poster na may kaugnayan sa gobyerno. Pagkatapos bilinan ni Juls ang kanyang ina dito niya narin sinabi na may anak na siya at Mara ang pangalan ng kanyang asawa.
Sa tahanan ng pamilyang bartolome ay sinusunog na nila lahat ng papeles ng may kaugnayan sa gobyerno. Habang sinusunog nila ang mga papeles dumating ang “Kabataang barangay” na nangangaroling sa harap ng kanilang bahay. Pagkatapos ay pumunta si Amanda sa opisina ni Julian upang mangamusta sinabi ni Amanda ang kanyang mga problema lalo na sa sitwasyon ni Juls.
1976
Dumating ang militar sa tahanan ng pamilya bartolome at pwersahang nilang nilusob ito. Nais nilang hanapin ang anak nila Amanda na si Juls na kilala bilang isang “political officer” ng armadong kilusan laban sa gobyerno. Nalaman nila ang testigo ay si Red ang kaibigan ni Juls na tinulungan nila noong siya ay may tama ng bala. Hinluglog nila ang kanilang bahay at iniwang sira sira ang kanilang mga kagamitan. Pero sa kabila nang lahat nang iyon ay pinasalamatan ni Julian ang kanyang pamilya dahil hindi sila nagkamali ng sagot.
Pumunta si Amanda sa kwarto ni Emmanuel upang kausapin siya tungol sa sitwayson ng kanyang kapatid na si Juls. Siya ay nakakaramdam ng masamang kutob na baka may nangyayaring masama na sa kanyang anak. Naitanong rin ni Amanda kung ano ang katumbas ng posisyon ni Juls sa gobyerno. At sabi ni Emmanuel ang katumbas ng posisyon ni Juls ay ang “Chief of police”. Namangha si Amanda sa mga narating ng kanyang anak sa buhay. Napagtanto rin niya na maaring tama ang ginagawa nang kanyang anak. At sinabi niya na “kung hindi kikilos ang mamamayan, sinong kikilos?” “Kung hindi ngayon kelan pa?”.
Sa bahaging eto maayos natin sa teoryang eksitensiyalismo. Hindi natin maiiwasan ang pag-aalala ng ating mga magulang sa mga tinatahak natin sa ating buhay. Pero pagdating ng panahon na pipili na tayo kung saan patungo ang ating buhay kailangan na natin maging responsable at maalam sa ating mga desisyon sa buhay.
Nang makauwi si Jason naabutan niyang may tumatawag sa telepono at sinagot niya ito. Pinasa niya sa kanyang kuya Emmanuel at nalaman nilang nahuli si Juls. Binisita nila ito sa kulungan at nakita nilang paika-ika kung maglakad at pasa-pasa sa buong katawan. Kinuwento ni Juls ang kanyang paghihirap nung siya ay nahuli. Pero sinabi niya na kahit ano mang paghihirap ang ginawa sa kanya ay hindi siya nagsalita at nagtaksil sa kanilang kilusan. At sinabi ni Julian na proud na proud siya sa kanyang anak.
Dito nakilala narin ni Amanda ang asawa ni Juls na si Mara at kalong-kalong ang kanilang anak. Ipinabili ni Mara na alagaan nila si Juls dahil mainit din sa kanya ang militar. Isang gabi naabutan ni Amanda na dis oras na ng gabi ng nakauwi si Jason. Sinabi ni Jason na siya ay nangaroling lamang pero hindi ito tinanggap ni Amanda. Pinagbawalan siya na umalis bukas kahit na may lakad ito, dahil ipagdidiriwang nila ang pasko sa kulungan kasama ang kanyang kuya Juls.
Kinabukasan ay masaya nilang idinirawang ang pasko kasama ang ibang mga pamilya ay bilanggo. Napansin ni Juls na tila ba’y nagmamadali si Jason kaya kinausap niya ito. Sinabi ni Jason na may lakad siya pero gusto muna ni Juls na makasama siya ngayon pasko. Pinagsabihan niya rin si Jason na huwag muna siya papasok ng pakikipagrelasyon dahil masyado pang maaga. Lahat ng bagay pinag-iisipan at hindi minamadali.
Huling bahagi ng Dekada 70
Isang pagtitipon ang naganap kung saan sinulat ng mga biktima ang kanilang mga naranasanan na paghihirap at pang aabuso sa kanila noong panahon ng Martial Law. Isang gabi nagising si Amanda dahil may tumatawag sa telepono, kung saan nalaman nila na nakulong Jason dahil sa “possession of illegal drugs”. Siya ay narelease na ngunit di nila alam kung saan siya pumunta. Habang tinatawagan ni Amanda ang kaniyang mga kakilala na baka sakali alam nila kung asan si Jason. Si Emmanuel ay pumunta sa isang morgue kung saan sinabi na may nakuha silang bangkay sa basurahan ng Manila zoo at mahigit bente ang saksak. Umuwi ng lasing si Emmanuel at binalita sa kanila na pinatay si Jason.
Pinayagan bumisita si Juls na may mga kasamang escort na bisitahin ang burol ng kanyang kapatid. Doon nagsama-sama muli ang pamilya bartolome ngunit makikita parin sa kanila ang kalungkutan na kanilang nararamdaman sa pagkamatay ni Jason.
Sinabi ni bingo sa kanyang ina baka galit sa kanya si kuya Jason. Na dapat siya ang magsasabi kay Amanda na may date siya sa araw ng pasko. Kung saan ipapakilala siya ng kanyang girlfriend na si Bernadette sa kanyang pamilya ngunit di siya nakapunta. Niyakap ni Amanda si Bingo at sinabi na mahal na mahal siya ng kuya Jason niya.
Sa libingan ni Jason andun sila Amanda, Evelyn, at Mara. Kung saan sinabi ni Amanda ang kanyang galit at saloobin. Buong buhay niyang tinitiis ang mga sinasabi sa kanya na “Wala kang magagawa” “eto ang gusto ng asawa mo” “wala kang magagawa dahil ito ang kapalaran mo”. Ang pagiging isang ina ay hindi lang dapat nanganganak dapat ipinaglalaban ang kanyang anak. Di matanggap ni Amanda na pinipigilan siya ni Julian para humingi ng hustisya para sa kanyang anak.
Sa mga kaganapan na ito maayon natin ito sa teoryang feminismo kung saan pinapakita ang maling pagtratrato sa kababaihan. Na dapat ang mga babae ay dapat sumusunod sa mga utos ng lalaki. Na wala kayong magagawa dahil babae kalang. Pinapakita din dito ang mga pagsubok ng pagiging ina upang ipaglaban ang kanyang anak.
Habang hinahanda ni Amanda ang babaunin na ulam para kay Juls sinabi ni Julian na hindi niya na naasikaso ang iba niyang mga anak. Sinabi ni Amanda na mas nakakaintindi si Juls sa kanyang mga saloobin. Tinanong ni Julian kung ano bang gusto niyang mangayari at dito sinabi ni Amanda na gusto niya ng makipaghiwalay sa kanya. Nais niya sanang maintindihan ni Julian na hindi lang siya nanay ng mga anak niya, na buong buhay na mag-asawa sila ang kaniyang iniisip ay kung nasa tama o mali ang ginagawa ni Amanda. Gusto niya ng tigilan ang lahat ng ito “just for a change” .
Ng naghahanda na si Amanda ng gamit upang umalis sa bahay kinausap siya ni Bingo na itigil muna ang paghihiwalay nila dahil na release na si Juls. Nagpaalam na si Juls sa kanyang kapwa niya kabilanggo at labis na ikinatuwa ito ng pamilya bartolome. Nagkaroon ng isang salo-salo upang ipagdiriwang ang pagkalabas ni Juls sa bilanguan. Dito nagpaalam sina Juls at Mara na babalik na muli sila sa kilusan. Sinabi nila na eto na ang kanilang buhay at dito narin sila mamamatay. Ito ay naintidihan ni Julian at sinabi “Ang dapat lang sundin ng tao ang digta ng sariling niyang konsensya at paninindigan.”
At ng mag sig uwian na ang lahat kinuha ni Julian ang pagkakataon na ito para pasalamatan si Amanda sa lahat-lahat. Hindi niya pipigilan umalis si Amanda sa kanyang buhay, pero nais niya sabihin na hindi rin madali ang pagiging lalaki. Dito umiyak at sinabi ni Julian ang kanyang mga saloobin sa harap ng kanyang asawa. Ang kanyang iniipon na galit sa paghihiganti sa mga pumatay sa kanyang anak. Niyakap siya ni Amanda upang iparamdam sa kanya na walang masamang umiyak at nandiyan sila para sa isa’t isa.
Ang mga kaganapan na ito ay maayon natin sa teoryang eksistensyalismo. Na darating din ang panahon na tatangapin ng ating mga magulang ang piniling landas ng ating buhay. Kung saan walang masama ipakita at ilabas ang ating nararamdaman. Dahil nandiyan ang pamilya ng handang gumabay at sumuporta habang buhay.
Dumalo sila sa isang dulaan na isinulat ni Emmanuel kung saan bago ito magsimula ay kinanta ng mga tagapagpanood ang Lupang Hinirang na taas kamao upang ipakita ang pagkakaisa at pagmamahal sa ating Inang bayan.
1983
Pumunta ang pamilya Bartolome sa Santo Domingo Church kung saan naka burol ang dating Senador Benigno Aquino Sr. , ng mabaril siya sa NAIA. Makikita dito na nakisalmuha si Amanda sa mga mamamayan na nag proprotesta upang makamit ang hustisya at pabagsakin ang gobyerno. At nag-iiwan ng mensahe na “Ang mamamayang Pilipino ay mga bilango parin, sa loob at labas ng mga rehas na bakal. Ngunit araw-araw ay isinisilang ang mga anak at magulang na magtatawid sa bangka ng pagbabago. Sapagkat ang payapang pang-pang ay para lang sa mangangahas sumagupa sa alon sa panahon ng unos.”
Ang Dekada 70 ay storya na pinapakita ang mga pagsubok ng naranasan ng Pamilyang Bartolome. Isa sa mga tauhan na napahanga ako ay si Amanda dahil sa taglay niyang lakas na lumaban sa mga pagsubok na dumadaan sa kanyang buhay. Ipinakita din ang iba’t ibang pag-uugali ng mga mamamayan noong panahon na iyon. Maraming mga isyung panlipunan na ipinakita sa istorya na ito na hanggang ngayon ay nangyayari parin. Nais imensahe ng istorya na ito na ang paglalaban para sa ikakabuti ng bayan ay isang aksyon na dapat mong ipagmalaki bilang isang mamamayan. Kahit gano pa man kahirap ang iyong nararanasan basta sundin mo lang iyong paninindigan ay kaya mo ito ipaglaban.
Ang mairerekomenda ko bilang tagapanuod sa pelikula na ito ay palagi tayong sumunod sa mga leksyon ng ating mga magulang. Ito ay tanging gabay natin upang maiwas tayo sa mga kapahamakan sa buhay. Ito ay isang istorya na nagbibigay ng kahalagahan sa pagiging isang Pilipino. Kahalagahan sa paglalaban ng ating karapatan bilang isang mamamayan ng ating bansa. At ang pagpapakita ng matapang na paninindigan at pagmamahal para sa ating Inang Bayan.